139Winasak ako ng galit dahil kinakalimutan ng mga kalaban ko ang mga salita mo.
140Labis nang nasubok ang iyong salita, at iniibig ito ng iyong lingkod.
141Ako ay walang halaga at inalipusta, pero hindi ko pa rin kinalilimutan ang mga tagubilin mo.
142Ang katarungan mo ay matuwid magpakailanman, at ang batas mo ay mapagkakatiwalaan.
143Kahit na natagpuan ako ng bagabag at paghihirap, ang kautusan mo pa rin ang aking kasiyahan.
144Ang mga utos mo sa tipan ay matuwid magpakailanman; bigyan mo ako ng pang-unawa para ako ay mabuhay. QOPH.