Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 1

Lucas 1:34-40

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
34Sinabi ni Maria sa anghel, “Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?”
35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
36At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
37Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos.”
38Sinabi ni Maria, “Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe.” At iniwan na siya ng anghel.
39Pagkatapos, si Maria ay gumayak noong mga araw na iyon at nagmadaling pumunta sa maburol na bahagi ng lupain, sa isang lungsod sa Judea.
40Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet.

Read Lucas 1Lucas 1
Compare Lucas 1:34-40Lucas 1:34-40