Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 15

Levitico 15:27-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27At sinumang gumalaw ng alinmang mga bagay na iyon ay magiging marumi; dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
28Pero kung siya ay nalinisan mula sa kaniyang pagdurugo, kung gayon siya ay magbilang ng pitong araw at pagkatapos nito siya ay magiging malinis.
29Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang kalapati o dalawang batu-bato at dadalhin ang mga ito sa pari sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
30Iaalay ng pari ang isang ibon bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at siya ay gagawa ng pambayad para sa kanyang kasalanan sa harap ni Yahweh para sa maruming pag-agos ng dugo.
31Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.
32Ito ang mga alituntunin para sa sinumang mayroong tulo ng likido, para sa sinumang lalaki na nilalabasan ng kanyang similya at nagdulot sa kanyang maging marumi,
33para sa sinumang babaeng mayroong kabuwanang dalaw, para sa sinumang nilalabasan ng likido, kahit pa lalaki o babae, at para sa sinumang lalaki na sumiping sa maruming babae.'”

Read Levitico 15Levitico 15
Compare Levitico 15:27-33Levitico 15:27-33