Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 8

Joshua 8:12-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.
13Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak.
14Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
15Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang.
16Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
17Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.
18Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay.” Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod.
19Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.
20Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila.
21Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.
22At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas.
23Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
24Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
25Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai.
26Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
27Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.
28Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.

Read Joshua 8Joshua 8
Compare Joshua 8:12-28Joshua 8:12-28