12Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
13Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.”
14Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.
15Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”'
16Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili.
17Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili.
18Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
19Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
20Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
21Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.”
22Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.