Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 7:12-22 in Tagalog

Help us?

Joshua 7:12-22 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
13 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
14 Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.
15 At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.
16 Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:
17 At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:
18 At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili.
19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.
20 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:
21 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
22 Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Joshua 7 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 7:12-22 in Banal na Bibliya

12 Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
13 Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.”
14 Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.
15 Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”'
16 Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili.
17 Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili.
18 Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
19 Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
20 Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
21 Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.”
22 Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.
Joshua 7 in Banal na Bibliya