Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 21

Joshua 21:8-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
9Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
10Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
11Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
12Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.
13Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
14Jattir kasama ang mga lupang pastulan nito, at Estemoa kasama ang mga lupang pastulan nito.
15Ibinigay din nila ang Holon kasama ang mga lupang pastulan nito, Debir kasama ang mga lupang pastulan nito,
16Ain kasama ang mga lupang pastulan nito, Jutta kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet-Semes kasama ang mga lupang pastulan nito. Mayroong siyam na lungsod na ibinigay mula sa dalawang liping ito.
17Mula sa lipi ni Benjamin ibinigay ang Gabaon kasama ang mga lupang pastulan nito, ang Geba kasama ang mga lupang pastulan nito,
18Anatot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Almon kasama ang mga karatig-pook nito—apat na lungsod.
19Ang mga lungsod na ibinigay sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ay labintatlong lungsod lahat, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
20Para sa natirang pamilya ng Kohat—ang mga Levitang kabilang sa pamilya ng Kohat—mayroon silang mga lungsod na ibinigay sa kanila mula sa lipi ni Efraim sa pamamagitan ng mga palabunutan.
21Sa kanila ibinigay ang Secem kasama ang mga lupang pastulan nito sa maburol na lupain ng Efraim—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya—Gezer kasama ang mga lupang pastulan nito,
22Kibzaim kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet Horon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
23Mula sa lipi ni Dan, ibinigay sa angkan ng Kohat ang Elteke kasama ang mga lupang pastulan nito, Gibbeton kasama ang mga lupang pastulan nito,
24Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
25Mula sa kalahating lipi ni Manases, ibinigay ang Taanac sa angkan ng Kohat kasama ang mga lupang pastulan nito at Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod.
26May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
27Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
28Sa mga angkan ng Gerson ibinigay din nila ang Kision mula sa lipi ni Isacar, kasama ang mga lupang pastulan nito, Daberet kasama ang mga lupang pastulan nito,
29Jarmut kasama ang mga lupang pastulan nito, at ang Engannim kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.

Read Joshua 21Joshua 21
Compare Joshua 21:8-29Joshua 21:8-29