Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 2 Mga Hari - 2 Mga Hari 10

2 Mga Hari 10:29-35

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Pero hindi iniwan ni Jehu ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na ginawa niyang kasalanan sa Israel- iyon ay, ang pagsamba sa mga gintong guya sa Bethel at Dan.
30Kaya sinabi ni Yahweh kay Jehu, “Dahil nagawa mong mabuti ang pagsasagawa kung ano ang matuwid sa aking paningin, at nagawa sa bahay ni Ahab ayon sa buong kalooban ng aking puso, ang inyong mga kaapu-apuhan ay uupo sa trono ng Israel hanggang sa apat na salinlahi.”
31Pero hindi nag-ingat si Jehu na lumakad sa batas ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang kaniyang buong puso. Hindi siya tumalikod mula sa mga kasalanan ni Jeroboam, sa pamamagitan nito ay ginawa niyang magkasala ang Israel.
32Sa mga araw na iyon sinimulang tanggalin ni Yahweh ang mga rehiyon mula Israel, at tinalo ni Hazael ang mga Israelita sa mga hangganan ng Israel,
33mula pasilangan ng Jordan, lahat ng lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita, at ang mga Manasita, mula Aroer, na nasa lambak ng Arnon, mula Galaad hanggang Bashan.
34Para sa ibang mga bagay na ginawa ni Jehu, at lahat ng kaniyang ginawa, at lahat ng kaniyang kapangyarihan, hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ng Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel?
35Nahimlay si Jehu kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa Samaria. Pagkatapos si Jehoahas na kaniyang anak ay naging hari na kapalit niya.

Read 2 Mga Hari 102 Mga Hari 10
Compare 2 Mga Hari 10:29-352 Mga Hari 10:29-35