Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 22

1 Mga Hari 22:44-52

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
44Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
45Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
46Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.
47Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.
48Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
49Pagkatapos sinabi ni Ahazias anak na lalaki ni Ahab kay Jehoshafat, “Hayaan ang aking mga lingkod na maglayag kasama ng iyong mga lingkod sa mga barko.” Pero hindi ito pinayagan ni Jehoshafat.
50Natulog si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David, na kaniyang ninuno; si Jehoram ang kaniyang anak na lalaki ang naging hari kapalit niya.
51Nagsimulang maghari si Ahazias sa Israel sa Samaria nang ika-labing pitong taon ni Jehoshafat hari ng Juda, at naghari siya ng dalawang taon sa Israel.
52Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa kaparaanan ng kaniyang ama, sa paraan ng kaniyang ina, at sa paraan ng anak na lalaki ni Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, na nagdala sa Israel para magkasala.

Read 1 Mga Hari 221 Mga Hari 22
Compare 1 Mga Hari 22:44-521 Mga Hari 22:44-52