Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 21

1 Mga Hari 21:10-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Maglagay ng dalawang lalaking hindi tapat kasama niya at hayaan silang tumestigo laban sa kaniya, na magsasabing, 'Sinumpa mo ang Diyos at ang hari.'” At ilabas ninyo siya at pagbabatuhin hanggang mamatay.
11Kaya ang mga tao sa kaniyang lungsod, ang mga nakatatanda at ang mayayaman na naninirahan sa kaniyang lungsod, ay ginawa ang inilarawan ni Jezebel sa kanila, gaya ng nasusulat sa mga liham na kaniyang pinadala sa kanila.
12Naghayag sila ng isang pag-aayuno at inupo si Nabot ng mataas sa mga tao.
13Dumating ang dalawang lalaki at umupo sa harapan ni Nabot; tumestigo sila laban kay Nabot sa presensya ng mga tao, na nagsasabing, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Pagkatapos siya ay nilabas nila sa lungsod at pinagbabato hangggang siya ay mamatay.
14Pagkatapos ang mga nakatatanda ay nagpadala ng ulat kay Jezebel na nagsasabing, “Pinagbabato si Nabot at ngayon ay patay na.
15At nang marinig ni Jezebel na si Nabot ay pinagbabato at patay na, sinabi niya kay Ahab, “Bumangon ka at kunin ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel, na kaniyang tinangging ibigay sa iyo kapalit ng pera, dahil si Nabot ay hindi na buhay, pero patay na.”
16Nang marinig ni Ahab na patay na si Nabot, bumangon siya at bumaba sa ubasan ni Nabot na taga-Jezreel at kinuha ito.
17Pagkatapos ang salita ni Yahweh ay dumating kay Elias na taga-Tisbe, na nagsasabing,
18“Bumangon ka at makipagkita kay Ahab na hari ng Israel, na naninirahan sa Samaria. Siya ay nasa ubasan ni Nabot, kung saan siya nagpunta para kunin ito.
19Dapat kang makipag-usap sa kaniya at sabihin na sinasabi ni Yahweh, 'Pumatay ka ba at nagkamkam ng ari-arian?' At sasabihin mo sa kaniya na sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar kung saan dinilaan ng mga aso ang dugo ni Nabot, didilaaan ng mga aso ang iyong dugo, oo, ang iyong dugo.'
20Sinabi ni Ahab kay Elias, “Natagpuan mo ba ako, aking kaaway?” Sumagot si Elias, “Natagpuan kita, dahil ipinagbili mo ang iyong sarili para gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
21Sinasabi ito sa iyo ni Yahweh: 'Masdan mo, magdadala ako sa iyo ng sakuna at lubos na uubusin at kukunin mula sa iyo ang bawat batang lalaki at alipin at malayang lalaki sa Israel.
22Ang pamilya mo ay gagawin kong tulad sa pamilya ni Jeroboam anak ni Nebat, at tulad ng pamilya ni Baasa anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at inakay ang Israel na magkasala.'
23Nagsalita rin si Yahweh ukol kay Jezebel, na nagsasabing, 'Kakainin ng mga aso si Jezebel sa pader ng Jezreel.'
24Sinumang nabibilang kay Ahab at ang mamamatay sa lungsod—kakainin ng aso ang taong iyon. At sinumang mamamatay sa bukid—kakainin ang taong iyon ng mga ibon sa himpapawid.”
25Walang katulad si Ahab, na ibinenta ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, na kaniyang asawa na si Jezebel ay inudyukan na magkasala.
26Gumawa si Ahab ng nakasusuklam na mga gawain para sa mga diyus-diyosang kaniyang sinundan, tulad nalang ng ginawa ng mga taga-Amoreo, silang mga inalis ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.

Read 1 Mga Hari 211 Mga Hari 21
Compare 1 Mga Hari 21:10-261 Mga Hari 21:10-26