Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 18

1 Mga Hari 18:13-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Hindi ba sinabi sa inyo, aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, kung paanong tinago ko ang isang daan na propeta ni Yahweh, tiglampu sa isang kuweba at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
14At ngayon sinasabi mo, 'Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na narito si Elias', kaya papatayin niya ako.”
15Sumagot si Elias, “Buhay si Yahweh ng mga hukbo, sa harapan niya ako ay nakatayo, tinitiyak ko na ipapakita ko ang aking sarili kay Ahab ngayon.”
16Kaya si Obadias ay nagpunta para makipagkita kay Ahab; sinabi niya sa kaniya, at nagpunta si Ahab para makipagkita kay Elias.
17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
18At sumagot si Elias, “Hindi ko ginulo ang Israel, pero ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ang nanggugulo sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga utos ni Yahweh at sa pagsunod sa mga diyus-diyosan ni Baal.
19Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
20Kaya nagpasabi si Ahab sa lahat ng tao sa Israel at tinipon ang mga propetang magkakasama sa Bundok Carmelo.
21Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
22Pagkatapos sinabi ni Elias sa mga tao, “Ako, ako lamang, ang natitira bilang propeta ni Yahweh, pero ang mga propeta ni Baal ay 450 kalalakihan.
23Kaya hayaang bigyan nila tayo ng dalawang toro. Hayaan silang pumili ng isang toro para sa kanilang sarili at putulin ito ng pira-piraso, at ilalatag sa kahoy, pero huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito. Pagkatapos ihahanda ang isang pang toro at ilalatag sa kahoy, at huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito.
24Pagkatapos tatawagin ninyo ang pangalan ng inyong diyos, at ako ay tatawag sa pangalan ni Yahweh, at ang Diyos na sasagot sa pamamagitan ng apoy, siya ang magiging Diyos.” Kaya ang lahat ng tao ay sumagot, at sinabi, “Mabuti ito.”
25Kaya sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna na itong ihanda, dahil kayo ay marami. Pagkatapos tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag ninyong lagyan ng apoy ang ilalim ng toro.”
26At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
27Sa kinatanghalian tapat kinutya sila ni Elias at sinabi, “Sumigaw kayo ng malakas! Siya ay diyos! Marahil siya ay nagiisip, o siya ay nasa palikuran, o siya ay nasa isang paglalakbay, o marahil siya ay natutulog at dapat siyang gisingin.
28“Kaya sila ay sumigaw pa ng mas malakas, at hiniwa nila ang kanilang sarili, tulad ng kanilang ginagawa, gamit ang mga espada at mga sibat, hanggang sa umagos ang dugo sa kanilang sarili.
29Lumipas ang tanghaling tapat, at sila ay nahihibang pa rin hanggang sa oras ng pag-aalay handog na pang gabi, pero walang boses o sinumang sumasagot; wala kahit sino ang nagbigay pansin sa kanilang mga pagsusumamo.

Read 1 Mga Hari 181 Mga Hari 18
Compare 1 Mga Hari 18:13-291 Mga Hari 18:13-29