16Ang tamad na tao ay mas marunong sa kanyang paningin kaysa sa pitong lalaking may kakayahang kumilatis.
17Tulad ng isang humahawak ng mga tainga ng isang aso ay isang taong dumadaan na nagagalit sa alitan na hindi kanya.
18Tulad ng isang baliw na pumapana ng nagliliyab na mga palaso,
19ay ang isang nandaraya ng kanyang kapwa at nagsasabing, “Di ba't nagbibiro lang ako?”
20Dahil sa kakulangan ng gatong, namamatay ang apoy, at kung saan walang tsismoso, tumitigil ang pag-aaway.
21Tulad ng isang uling na nagbabaga at panggatong ay sa apoy, ganoon din ang isang palaaway na tao na nagpapasiklab ng alitan.
22Ang mga salita ng isang tsismoso ay tulad ng masarap na mga pagkain; bumababa sila sa kaloob-loobang mga bahagi ng katawan.
23Ang pampakintab na bumabalot sa isang banga ay tulad ng nagbabagang mga labi at isang napakasamang puso.