2dahil ang kanilang mga puso ay nagbabalak ng karahasan, at ang kanilang mga labi ay nag-uusap tungkol sa kaguluhan.
3Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
4Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
5Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
6sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
7Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.