24Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
25Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
26Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.
27Dahil ang isang bayarang babae ay isang malalim na hukay at ang asawa ng ibang lalaki ay isang makitid na hukay.
28Siya ay nag-aabang katulad ng isang magnanakaw at siya ay nagdadagdag ng bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.
29Sino ang may kasawian? Sino ang may kalungkutan? Sino ang may mga laban? Sino ang nagrereklamo? Sino ang may mga sugat na walang dahilan? Sino ang may matang namumula?
30Silang sugapa sa alak, sila na sinusubukan ang pinaghalong alak.
31Huwag tumingin sa alak kung ito ay mapula, kung ito ay kumikinang sa tasa at bumaba nang tuloy-tuloy.
32Sa bandang huli ito ay tumutuklaw katulad ng isang ulupong at ito ay kumakagat tulad ng isang ahas.
33Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay.
34Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan.
35“Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”