Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 4

Mga Hukom 4:1-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Matapos mamatay ni Ehud, muling sinuway ng bayan ng Israel si Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng masasamang bagay, at nakita niya kung ano ang ginawa nila.
2Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil.
3Tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh para sa tulong, dahil mayroong siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma si Sisera at inapi niya ang bayan ng Israel sa loob ng dalawampung taon.
4Ngayon si Debora, isang babaeng propeta (asawa ni Lappidot), ay isang nangungunang hukom sa Israel nang panahong iyon.
5Madalas siyang nakaupo sa ilalim ng palmera ni Debora sa pagitan ng Rama at Betel sa bulubundukin ng Efraim, at lumalapit sa kaniya ang mga tao ng Israel para lutasin ang kanilang mga alitan.
6Ipinatawag niya si Barak na anak ni Abinoam mula sa Kedes sa Neftali. Sinabi niya sa kaniya, “Inuutusan ka ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pumunta ka sa Bundok Tabor, at magsama ng sampung libong kalalakihan mula sa Neftali at Zebulun.
7Palalabasin ko si Sisera, na pinuno ng hukbo ni Jabin, para salubungin kayo sa ilog ng Kison, kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at kaniyang hukbo, at bibigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya.'”
8Sinabi ni Barak sa kaniya, “Kung sasama ka sa akin, pupunta ako, pero kung hindi ka sasama sa akin, hindi ako pupunta.”
9Sinabi niya, “Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas.” Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes.
10Tinawag ni Barak ang mga kalalakihan ng Neftali para magtipon sa Kedes. Sampung libong kalalakihan ang sumama sa kaniya, at sumama sa kanya si Debora.
11Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes.
12Nang sinabihan nila si Sisera na umakyat si Barak sa Bundok Tabor,

Read Mga Hukom 4Mga Hukom 4
Compare Mga Hukom 4:1-12Mga Hukom 4:1-12