Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 20

Mga Hukom 20:7-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita at ibigay ang inyong payo at pansin dito!”
8Tumayo ng magkakasama ang lahat ng mga tao bilang isa, at sinabi nila, “Wala sa atin ang pupunta sa kaniyang tolda at wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay!
9Pero ngayon ito ang dapat nating gawin sa Gibea: sasalakayin natin ito alinsunod sa makuha sa ating palabunutan.
10Kukuha tayo ng sampung kalalakihan ng isang daan sa buong mga lipi ng Israel, at isang daan ng isang libo, at isang libo ng sampung libo, para kumuha ng panustos para sa mga taong ito, para kapag dumating sila ng Gibea sa Benjamin, maaari nila silang parusahan dahil sa kasamaan na nagawa nila sa Israel.”
11Kaya lahat ng mga sundalo ng Israel ay nagtipon laban sa lungsod, nagkaisa nang may isang layunin.
12Nagpadala ng kalalakihan ang mga lipi ng Israel sa buong lipi ng Benjamin, sa pagsasabing, “Ano itong kasamaan na nagawa ninyo?
13Kaya, ibigay sa amin ang masamang kalalakihan ng Gibea, para maaari namin silang patayin, at para ganap naming matatanggal itong kasamaan mula sa Israel. Pero ang mga Benjamita ay hindi nakikinig sa tinig ng kanilang mga kapatid, ang mga tao ng Israel.
14Pagkataos dumating ng magkakasama ang mga tao ng Benjamin mula sa mga lungsod patungong Gibea para maghandang sa pakikipaglaban sa mga tao ng Israel.
15Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea.
16Kabilang sa lahat ng mga sundalo ay pitong daang piniling kalalakihan na mga kaliwete. Bawat isa sa kanila ay kayang tumirador ng isang bato sa isang hibla ng buhok at hindi papalya.
17Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang bilang mula kay Benjamin, umabot sa 400, 000 kalalakihan, na tinuruang lumaban gamit ang espada. Ang lahat sa kanila ay mga lalaking mandirigma.
18Bumangon ang bayan ng Israel, pumunta ng Bethel, at humingi ng payo mula sa Diyos. Hiniling nila, “Sino ang unang sasalakay sa mga tao ng Benjamin para sa amin?” Sinabi ni Yahweh, “Unang sasalakay ang Juda.”

Read Mga Hukom 20Mga Hukom 20
Compare Mga Hukom 20:7-18Mga Hukom 20:7-18