Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 3

Mga Gawa 3:15-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito.
16Ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, pinalakas ang lalaking ito na inyong nakita at nakikilala. Ang pananampalataya sa pamamagitan ni Jesus ang nagbigay sa kaniya ng lubos na kagalingan, sa harapan ninyong lahat.
17Ngayon, mga kapatid, alam ko na gumawa kayo ng kamangmangan, kagaya ng ginawa ng inyong mga pinuno.
18Ngunit ang mga bagay na siyang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na kinakailangang maghirap ang kaniyang Cristo ay tinupad niya na ngayon.
19Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, nang sa gayon mayroong dumating na panahon ng pagpapanibagong-lakas sa presensya ng Panginoon;
20at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo.
21Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta.
22Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo.
23Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.'
24Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito.
25Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng kasunduan na ginawa ng Diyos kasama ng inyong mga ninuno, katulad ng sinabi niya kay Abraham, 'Sa iyong binhi pagpapalain ko ang lahat ng mga sambahayan sa buong mundo.'

Read Mga Gawa 3Mga Gawa 3
Compare Mga Gawa 3:15-25Mga Gawa 3:15-25