1Nang matapos na ang araw ng Pamamahinga at magsimulang magbukang liwayway sa unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang libingan.
2Masdan ito, may malakas na lindol, dahil bumaba mula langit ang anghel ng Panginoon, dumating at ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.
3Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang kasuotan ay kasing puti ng niyebe.
4At nayanig ng takot ang mga tagapagbantay at naging tulad ng patay na mga tao.
5Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.
6Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon.
7Pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Siya ay bumangon na mula sa mga patay. Makinig kayo, siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. At doon makikita ninyo siya.' Makinig kayo, nasabi ko na sa inyo.”
8At kaagad na umalis ang mga babae sa libingan na may takot at malaking tuwa at nagsitakbo upang sabihin sa mga alagad.
9Masdan ito, sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Binabati ko kayo.” At lumapit ang mga babae, hinawakan ang kaniyang mga paa at sinamba siya.