Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 15

Levitico 15:25-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
25Kung ang isang babae ay nagkaroon ng pagdurugo ng maraming araw na hindi sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, o kapag siya ay mayroong siyang pagdurugo na lagpas pa sa kaniyang kabuwanang dalaw, sa panahon ng mga araw ng pag-agos ng kaniyang karumihan, siya ay parang nasa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw. Siya ay marumi.
26Ang bawat higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang pagdurugo ay magiging kagaya ng higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw para sa kaniya, at bawat bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi, tulad ng karumihan ng kaniyang kabuwanang dalaw.
27At sinumang gumalaw ng alinmang mga bagay na iyon ay magiging marumi; dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
28Pero kung siya ay nalinisan mula sa kaniyang pagdurugo, kung gayon siya ay magbilang ng pitong araw at pagkatapos nito siya ay magiging malinis.
29Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang kalapati o dalawang batu-bato at dadalhin ang mga ito sa pari sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.

Read Levitico 15Levitico 15
Compare Levitico 15:25-29Levitico 15:25-29