3Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi.
4Inutusan niya sila, “Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
5Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati.
6Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila.
7Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.
8Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo.”
9Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
10Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
11Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai.