10Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.
11Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka.
12Bawat isang lalaki ay itinapon ang kaniyang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron ay nilamon ng kanilang mga ahas.