3panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling, panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo,
4panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa, panahon ng pagtangis at panahon ng pagsayaw,
5panahon ng paghahagis ng mga bato at panahon ng pag-iipon ng mga bato, panahon na pagyakap sa ibang tao, at panahong hindi pagyakap,
6panahon sa paghahanap sa mga bagay at panahon ng paghinto sa paghahanap, panahon ng pag-iingat ng mga bagay at panahon ng pagtatapon ng mga bagay,
7panahon ng pagpunit ng kasuotan at panahon ng pananahi ng kasuotan, panahon ng pananahimik at panahon ng pagsasalita,
8panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
9Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain?
10Nakita ko na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin.
11Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sa bawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ng sangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa wakas.
12Alam ko na walang mabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nang kabutihan habang siya ay nabubuhay—
13at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
14Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagal magpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa o maalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upang lumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.