Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 3

1 Mga Hari 3:14-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Kung lalakad ka sa aking mga paraan para sundin ang aking mga alituntunin at utos, tulad ng paglakad ng iyong ama na si David, pahahabain ko ang iyong mga araw.”
15Pagkatapos ay nagising si Solomon, masdan ito, isa iyong panaginip. Pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon. Nag-alay siya ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan, at nagdaos ng isang handaan para sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
16May dalawang bayarang babae ang pumunta sa hari at tumayo sa harap niya.
17Sinabi ng isang babae, “O, aking panginoon, ako at ang babaeng ito ay naninirahan sa iisang bahay, at nanganak ako kasama siya sa bahay na iyon.
18Nangyari na sa ikatlong araw matapos kong manganak ay nanganak din ang babaeng ito. Magkasama kami. Wala na kaming kasama sa bahay, pero kami lamang dalawa ang nasa bahay.
19Isang gabi ay namatay ang kaniyang anak na lalaki, dahil nahigaan niya ito.
20Kaya tumayo siya nang hatinggabi at kinuha ang aking anak na lalaki sa tabi ko, habang natutulog ang iyong lingkod, at inihiga siya sa kaniyang dibdib, at inihiga ang kaniyang patay na anak sa aking dibdib.
21Nang tumayo ako kinaumagahan para pasusuin ang aking anak, patay na siya. Pero nang tinignan ko siya nang mabuti kinaumagahan, hindi siya ang aking anak, na ipinanganak ko.”
22Pagkatapos ay sinabi ng isa pang babae, “Hindi, ang nabubuhay ang aking anak, at ang patay ay ang iyong anak.” Sinabi ng unang babae, “Hindi, ang patay ay ang iyong anak, at ang nabubuhay ay ang aking anak.” Ganito sila nag-usap sa harap ng hari.

Read 1 Mga Hari 31 Mga Hari 3
Compare 1 Mga Hari 3:14-221 Mga Hari 3:14-22