Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Pahayag - Pahayag 11

Pahayag 11:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Isang tambo ang binigay sa akin para gamitin tulad ng isang panukat. Sinabihan ako, “Tumayo ka at sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at ang mga sumasamba sa loob nito.
2Pero huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo, dahil naibigay na iyon sa mga Gentil. Pagtatapakan nila ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
3Bibigyan ko ang aking dalawang saksi ng kapangyarihan para magpropesiya sa loob ng 1, 260 na araw, na nakadamit ng sako.”
4Ang mga saksing ito ay ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon sa lupa.
5Kung sinuman ang magpapasyang manakit sa kanila, lalabas ang apoy mula sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sinuman ang magnanais manakit ay papatayin sa ganitong paraan.
6Ang mga saksing ito ay may kapangyarihan para isara ang kalangitan kaya walang bubuhos na ulan sa oras nang sila ay magpropesiya. May kapangyarihang silang gawing dugo ang mga tubig at hampasin ang mundo kasama ang lahat ng uri ng salot anuman ang kanilang hilingin.
7Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin.
8Ang kanilang mga katawan ay ilalatag sa kalsada sa dakilang lungsod (na tinatawag na Sodom at Egipto bilang simbolo) kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.
9Sa loob ng tatlo at kalahating araw ilan mula sa bawat bayan, lipi, wika, at bansa ay tinitingnan ang kanilang mga katawan at hindi nila pahihintulutang ilagay sa isang libingan.
10Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa.
11Pero makalipas ang tatlo at kalahating araw isang hininga ng buhay mula sa Diyos ay papasok sa kanila at sila ay tatayo sa kanilang mga paa. Matinding takot ang lulukob sa lahat ng makakakita sa kanila.

Read Pahayag 11Pahayag 11
Compare Pahayag 11:1-11Pahayag 11:1-11