Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 16

Mga Taga-Roma 16:17-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
17Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, na isipin ninyo ang mga taong nagiging dahilan ng pagkababaha-bahagi at pagkakatisod. Lumalagpas sila sa mga turong inyong napag-aralan. Talikuran ninyo sila.
18Sapagkat ang mga taong tulad nito ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Cristo, kundi ang sarili nilang hangarin. Sa pamamagitan ng kanilang kaaya-aya at mga kalugod-lugod na pananalita nililinlang nila ang mga puso ng mga walang malay.
19Sapagkat ang inyong halimbawa ng pagsunod ay umabot na sa lahat. Kaya nagagalak ako sa inyo, ngunit gusto kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at walang kamalayan sa kasamaan.
20Hindi magtatagal, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.
21Binabati kayo ni Timoteo, ang aking kapwa manggagawa, at nina Lucius, Jason, at Sosipato, na aking mga kamag-anak.
22Ako, si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
23Binabati kayo ni Gauis, na tinutuluyan ko at ng buong iglesiya. Binabati kayo ni Erasto, ang ingat-yaman ng lungsod, kasama ang kapatid na si Quarto.
24Nawa ang biyaya ng ating Panginoon Jesu-Cristo ay mapasainyong lahat. Amen
25Ngayon sa kaniya na may kakayahang kayo ay pagtibayin ayon sa aking ebanghelyo at sa pangangaral ni Jesu-Cristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na itinago mula pa noon,

Read Mga Taga-Roma 16Mga Taga-Roma 16
Compare Mga Taga-Roma 16:17-25Mga Taga-Roma 16:17-25