Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 5

Mga Kawikaan 5:14-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Malapit na akong ganap na masira sa gitna ng kapulungan, sa pagtitipon ng mga tao.”
15Uminom ng tubig mula sa inyong sariling sisidlan, at uminom ng bukal na tubig mula sa inyong sariling balon.
16Dapat bang ang inyong mga bukal ay umapaw sa lahat ng dako, at ang inyong mga batis ng tubig ay umagos sa mga liwasang-bayan?
17Hayaan na ang mga ito ay sa inyo lamang, at hindi para sa mga hindi kilalang taong kasama ninyo.
18Nawa'y ang inyong bukal ay pagpalain, at nawa'y kayo ay magalak sa asawa sa inyong kabataan.
19Sapagkat siya ay isang mapagmahal at kaaya-aya tulad ng usang babae. Hayaan ninyo ang kaniyang dibdib ay punuin kayo ng galak sa lahat ng panahon; laging maging bihag ng kaniyang pag-ibig.
20Sapagkat bakit ikaw, aking anak, ay dapat na mabihag ng isang babaeng nangangalunya; bakit mo kailangang yakapin ang dibdib ng isang hindi kilalang babae?
21Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao at pinanonood ang lahat ng landas na kaniyang tinatahak.

Read Mga Kawikaan 5Mga Kawikaan 5
Compare Mga Kawikaan 5:14-21Mga Kawikaan 5:14-21