Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 25

Mga Kawikaan 25:21-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Kung nagugutom ang kaaway mo, bigyan mo siya ng makakain, at kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig na maiinom,
22dahil lalagyan mo siya sa kaniyang ulo ng isang pala ng umaapoy na uling, at gagantimpalaan ka ni Yahweh.
23Gaya ng katiyakan na ang hanging mula sa hilaga ay may dalang ulan, ang taong naghahayag ng mga lihim ay nagpapagalit ng mga mukha.
24Mas mabuti pa na mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa makibahagi sa tahanan ng babaeng palaaway.
25Tulad ng malamig na tubig sa taong uhaw, gayun din ang mabuting balita mula sa malayong bansa.
26Tulad ng maruming batis o nasirang bukal ng tubig ang mabuting tao na naglalakad kasama ang masamang tao.
27Hindi mabuting kumain ng napakaraming pulot; iyon ay parang naghahanap ng labis na karangalan.

Read Mga Kawikaan 25Mga Kawikaan 25
Compare Mga Kawikaan 25:21-27Mga Kawikaan 25:21-27