11Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan?
12Ang mangungutya ay galit sa pagtatama; hindi siya magiging marunong.
13Ang pusong nagagalak ay ginagawang maaya ang mukha, pero ang matinding lungkot ay sumisira ng diwa.
14Ang puso ng umuunawa ay humahanap ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kahangalan.
15Lahat ng araw ng mga taong inaapi ay napakahirap, pero ang nagagalak na puso ay may piging na walang katapusan.
16Mas mabuti ang kaunti na may takot kay Yahweh kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan.
17Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
18Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
19Ang daanan ng taong tamad ay tulad ng isang lugar na may bakod na tinik, pero ang daanan ng matuwid ay gawa sa daanang tuloy-tuloy.
20Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, pero ang mangmang ay namumuhi sa kaniyang ina.
21Ang kahangalan ay kasiyahan ng hindi nag-iisip, pero ang siyang nakauunawa ay naglalakad sa tuwid na daanan.
22Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.
23Ang tao ay nakakahanap ng kaligayahan kapag siya ay nagbibigay ng matalinong sagot; Napakabuti ng napapanahong salita!
24Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim.
25Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mapagmataas, pero pinapangalagaan niya ang ari-arian ng balo.
26Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak.
27Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
28Ang pusong gumagawa ng tama ay nag-iisip bago sumagot, ngunit ang bibig ng masasama ay ibinubuhos ang lahat ng kasamaan nito.
29Si Yahweh ay malayo sa mga masasamang tao, pero naririnig niya ang panalangin ng mga gumagawa ng tama.