Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 14

Mga Kawikaan 14:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang marunong na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ito ng kaniyang sariling mga kamay.
2Ang lumalakad ng matuwid ay may takot kay Yahweh, ngunit ang hindi tapat sa kaniyang pamumuhay ay hinahamak siya.
3Mula sa bibig ng isang hangal ay lumalabas ang isang sanga ng kaniyang pagmamataas, ngunit ang mga labi ng marunong ay iingatan sila.
4Kung saan walang baka ang sabsaban ay malinis, ngunit ang isang masaganang pananim ay maaaring dumating sa pamamagitan ng lakas ng isang baka.
5Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit ang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan.
6Ang nangungutya ay naghahanap ng karunungan at walang makita, ngunit ang kaalaman ay madaling dumating sa taong may pang-unawa.

Read Mga Kawikaan 14Mga Kawikaan 14
Compare Mga Kawikaan 14:1-6Mga Kawikaan 14:1-6