Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 10

Mga Kawikaan 10:21-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Ang mga labi ng isa na gumagawa ng tama ay nagpapalusog ng marami, ngunit ang mga mangmang ay mamamatay dahil sa kakulangan ng kanilang pang-unawa.
22Ang mga mabuting kaloob ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan at hindi ito nagdagdag ng sakit.
23Ang kasamaan ay laro ng isang hangal, ngunit ang karunungan ay isang kasiyahan para sa isang tao ng may pang-unawa.
24Ang takot ng masama ay sasaklawan siya, ngunit ang pagnanais ng isang matuwid ay ibibigay.
25Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan, at sila ay wala na, ngunit silang gumagawa ng tama ay isang pundasyon na magtatagal kailanman.
26Tulad ng suka sa ngipin at usok sa mata, ganoon din ang batugan na nagpadala sa kaniya.
27Ang takot kay Yahweh nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga taon ng masama ay mapapaiksi.
28Ang pag-asa ng mga gumagawa ng tama ay kanilang kagalakan, ngunit ang mga taon ng mga masama ay mapapaiksi.
29Ang paraan ni Yahweh ay nag-iingat sa kanila na may katapatan, ngunit ito ay pagkawasak para sa masama.
30Silang mga gumagawa ng tama ay hindi kailanman maibabagsak, ngunit ang masama ay hindi mananatili sa lupain.
31Mula sa bibig ng mga gumagawa ng tama ay dumarating ang bunga ng karunungan, ngunit ang masamang dila ay mapuputol.
32Alam ng mga labing gumagawa nang tama kung ano ang katanggap-tanggap, ngunit ang bibig ng masama ay alam kung ano ang masama

Read Mga Kawikaan 10Mga Kawikaan 10
Compare Mga Kawikaan 10:21-32Mga Kawikaan 10:21-32