Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 20

Mga Hukom 20:3-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Ngayon narinig ng lipi ng Benjamin na umakyat ang bayan Israel sa Mizpa. Sinabi ng mga tao ng Israel, “Sabihin sa amin kung paano nangyari itong masamang bagay.”
4Ang Levita, ang asawang ng babaeng pinatay, ay sumagot, “Ako ay dumating sa Gibea sa teritoryo na nabibilang kay Benjamin, ako at aking isa pang asawa, para magpalipas ng gabi.
5Nang gabing iyon, nilusob ako ng mga pinuno ng Gidea, pinalibutan ang bahay at tinangkang patayin ako. Sinunggaban at ginahasa ang aking isa pang asawa, at siya ay namatay.
6Kinuha ko ang aking isa pang asawa at pinagpira-piraso ang kaniyang katawan, at ipinadala ang mga ito sa bawat rehiyon na ipinamana sa Israel, dahil nakagawa sila ng kasamaan at kalapastanganan sa Israel.
7Ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita at ibigay ang inyong payo at pansin dito!”
8Tumayo ng magkakasama ang lahat ng mga tao bilang isa, at sinabi nila, “Wala sa atin ang pupunta sa kaniyang tolda at wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay!
9Pero ngayon ito ang dapat nating gawin sa Gibea: sasalakayin natin ito alinsunod sa makuha sa ating palabunutan.

Read Mga Hukom 20Mga Hukom 20
Compare Mga Hukom 20:3-9Mga Hukom 20:3-9