Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 16

Mga Hukom 16:13-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Sinabi ni Delilah kay Samson, “Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao.”
14Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, “Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi.
15Sinabi niya sa kaniya, “Papaano mo nasasabing, 'Mahal mo ako,' Hindi mo nga ibinabahagi ang mga lihim mo sa akin? Hinamak mo ako ng mga tatlong beses at hindi mo sinabi sa akin kung papaano ka nagkaroon ng matinding lakas.
16Araw-araw pinipilit niya siya sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at pinipilit niya siya nang lubusan na hiniling niyang siya ay mamatay na.
17Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.

Read Mga Hukom 16Mga Hukom 16
Compare Mga Hukom 16:13-17Mga Hukom 16:13-17