Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Gawa - Mga Gawa 6

Mga Gawa 6:7-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote.
8At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.
9Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.
10At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.
11Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.
12At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,

Read Mga Gawa 6Mga Gawa 6
Compare Mga Gawa 6:7-12Mga Gawa 6:7-12