Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 26

Mga Gawa 26:4-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4nga, nalalaman nang lahat ng mga Judio kung papaano ako namuhay sa aking kabataaan sa aking sariling bansa at sa Jerusalem.
5Kilala nila ako mula sa simula at kinakailangan nilang tanggapin na namuhay ako bilang isang Pariseo, isang napakahigpit na sekta ng aming relihiyon.
6Ngayon nakatayo ako rito upang hatulan dahil umaasa ako sa pangako na ginawa ng Diyos sa aming mga ninuno.
7Sapagkat ito ang pangako na inaasahang ng aming labing dalawang tribo na tanggapin habang matiyaga silang sumasamba sa Diyos gabi at araw. Dahil sa pag-asang ito, Haring Agripa, kaya pinaratangan ako ng mga Judio.
8Bakit iniisip ng iba sa inyo na hindi kapani-paniwala na buhayin ng Diyos ang mga patay?
9Sa isang pagkakataon naisip ko sa aking sarili na kinakailangan kong gumawa ng maraming bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
10Ginawa ko ang mga ito sa Jerusalem; Ikinulong ko ang maraming mga mananampalataya sa bilangguan, at may kapangyarihan ako mula sa mga punong pari na gawin ito; at nang ipapatay sila, ibinigay ko rin ang aking boto laban sa kanila.
11Madalas ko silang pinarurusahan sa lahat ng mga sinagoga at sinubukan ko silang magsalita ng masama laban sa Diyos. Galit na galit ako sa kanila at hinabol ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.
12Habang ginagawa ko ito, pumunta ako sa Damasco na may kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari;
13at sa daan patungo roon, sa katanghalian tapat, Hari, Nakakita ako ng liwanag mula sa langit na higit na mas maliwanag kaysa sa araw at nagliwanag palibot sa akin at sa mga kalalakihan na naglalakbay na kasama ko.
14Nang bumagsak kaming lahat sa lupa, nakarinig ako ng tinig na nagsasalita sa akin na nag sabi sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Mahirap para sayo na sumipa sa matulis na tungkod.'
15Pagkatapos sinabi ko, 'Sino ka, Panginoon?' Sumagot ang Panginoon, 'Ako si Jesus na iyong inuusig.
16Ngayon bumangon ka at tumayo sa iyong mga paa; dahil sa layuning ito'y nagpakita ako saiyo, upang italaga ka bilang lingkod at saksi tungkol sa mga bagay na alam mo tungkol sa akin ngayon at sa mga bagay na ipapakita ko pagkatapos nito;
17at ililigtas kita mula sa mga tao at mula sa mga Gentil kung saan kita isusugo,
18upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'
19Samakatuwid, Haring Agripa, hindi ko sinuway ang pangitain mula sa langit;

Read Mga Gawa 26Mga Gawa 26
Compare Mga Gawa 26:4-19Mga Gawa 26:4-19