Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 14

Mga Gawa 14:18-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
19Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na.
20Ngunit habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Nang sumunod na araw pumunta siya sa Derbe kasama si Bernabe.
21Pagkatapos nilang ipinangaral ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at magkaroon ng maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia.
22Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
23Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
24Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Panfilia.
25Nang kanilang maihayag ang salita sa Perga, umalis sila pababa ng Atalia.
26Mula doon naglayag sila patungong Antioquia kung saan ipinagkatiwala nila sa biyaya ng Diyos ang gawaing kanilang natapos.
27Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.

Read Mga Gawa 14Mga Gawa 14
Compare Mga Gawa 14:18-27Mga Gawa 14:18-27