Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 16

Mga Bilang 16:11-35

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Iyon ang dahilan kung bakit ikaw at lahat ng iyong pangkat ay nagkatipon laban kay Yahweh. Kaya bakit kayo nagrereklamo tungkol kay Aaron, na sumusunod kay Yahweh?”
12Pagkatapos ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, ang mga anak na lalaki ni Eliab, subalit sinabi nila, “Hindi kami pupunta.
13Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
14Bilang karagdagan, hindi mo kami dinala sa isang lupain na umaagos sa gatas at pulot-pukyutan, o binigyan ng mga bukid at mga ubasan bilang isang mana. Ngayon nais mo kaming bulagin sa pamamagitan ng mga walang lamang pangako? Hindi kami pupunta sa iyo.”
15Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.”
16Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Korah, “Bukas ikaw at lahat ng iyong kasamahan ay dapat pumunta sa harap ni Yahweh, ikaw, sila, at si Aaron.
17Bawat isa sa inyo ay dapat dalhin niya ang kaniyang insensaryo at lagyan ito ng insenso. Pagkatapos, dapat dalhin ng bawat tao sa harap ni Yahweh ang kaniyang insensaryo, dalawang daan at limampung insensaryo. Kayo at si Aaron rin ay dapat ninyong dalhin ang inyong mga insensaryo.”
18Kaya kinuha ng bawat lalaki ang kaniyang insensaryo, nilagyan ito ng apoy, nilatagan ito ng insenso, at tumayo sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong kasama ni Moises at Aaron.
19Tinipon ni Korah ang buong sambayanan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa buong sambayanan.
20At nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron:
21“Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa sambayanang ito upang lipulin ko sila agad-agad.”
22Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
23Sumagot si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
24“Magsalita ka sa buong sambayanan. Sabihin mo, 'Umalis kayo mula sa mga tolda nila Korah, Datan, at Abiram.'”
25Pagkatapos, bumangon si Moises at pumunta kina Datan at Abiram; sinundan siya ng mga nakakatanda ng Israel.
26Nagsalita siya sa sambayanan at sinabi, “Ngayon iwanan ang mga tolda ng mga masamang lalaking ito at huwag humawak ng anumang bagay na nabibilang sa kanila, o malilipol kayo sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kasalanan.”
27Kaya ang sambayanan sa magkabilaan ay iniwan ang mga tolda nina Korah, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda, kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at kanilang mga maliliit.
28At sinabi ni Moises, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyong isinugo ako ni Yahweh upang gawin ang lahat ng mga gawaing ito, sapagkat hindi ko ginawa ang mga ito sa aking sariling pagsang-ayon.
29Kung mamamatay ang mga lalaking ito nang karaniwang kamatayan gaya ng karaniwang nangyayari, kung gayon hindi ako isinugo ni Yahweh.
30Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh.
31Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng salitang ito, bumukas ang lupang sa ilalim ng mga lalaking ito.
32Ibinukas ng lupa ang bibig nito at nilamon sila, ang kanilang mga pamilya, at lahat ng mga taong nabibilang kay Korah, pati na rin ang kanilang mga ari-arian.
33Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan.
34Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!”
35Pagkatapos kumislap ang apoy mula kay Yahweh at nilamon ang 250 kalalakihan na naghandog ng insenso.

Read Mga Bilang 16Mga Bilang 16
Compare Mga Bilang 16:11-35Mga Bilang 16:11-35