Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Awit - Mga Awit 4

Mga Awit 4:4-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala: mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.

Read Mga Awit 4Mga Awit 4
Compare Mga Awit 4:4-8Mga Awit 4:4-8