Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 10

Levitico 10:1-4

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
2Kaya lumabas ang apoy mula sa harapan ni Yahweh at sila ay nilamon at namatay sa harapan ni Yahweh.
3Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron.
4Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, “Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo.”

Read Levitico 10Levitico 10
Compare Levitico 10:1-4Levitico 10:1-4