Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 11

Joshua 11:4-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Lahat ng kanilang hukbo ay dumating kasama nila, isang malaking bilang ng mga sundalo, sa bilang na gaya ng mga buhangin sa dalampasigan. Mayroon silang napakalaking bilang ng mga kabayo at mga karwahe.
5Nagkita ang lahat ng mga haring ito sa itinakdang oras, at nagkampo sila sa mga tubig ng Merom para makipaglaban sa Israel.
6Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe.”
7Dumating si Josue at lahat ng mga lalaking mandirigma. Dumating silang bigla sa mga tubig ng Merom, at nilusob ang mga kaaway.
8Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
9Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
10Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
11Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
12Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
13Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.

Read Joshua 11Joshua 11
Compare Joshua 11:4-13Joshua 11:4-13