Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 20

1 Mga Hari 20:15-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Pagkatapos tinipon ni Ahab ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan. Sila ay 232. Pagkatapos ay kaniyang tinipon ang lahat ng mga sunadalo, ang lahat ng hukbo ng Israel, na may bilang na pitong libo.
16Sila ay umalis ng tanghaling tapat. Si Ben Hadad ay umiinom at lasing sa loob ng kaniyang tolda, siya at ang tatlongput dalawang mas mababang mga hari na tumutulong sa kaniya.
17Ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan ang unang lumusob. Pagkatapos ipinaalam kay Ben Hadad ng mga taga-manman na kaniyang ipinidala, “May mga lalaking dumarating mula sa Samaria.”
18Sinabi ni Ben Hadad, “Maging sila ay lalabas para sa kapayapaan o digmaan, kunin sila ng buhay.”
19Kaya ang mga batang pinuno na naglilingkod sa lalawigan ng gobernador ay lumabas ng lungsod, at ang mga hukbo ay sumunod sa kanila.
20Pinatay ng bawat isa ang kaniyang kalaban, at ang mga Aramina ay tumakas; Hinabol sila ng Israel. Si Ben Hadad ang hari ng Aram ay tumakas na nakasakay ng kabayo kasama ang mga ilang mangangabayo.
21Pagkatapos ang hari ng Israel ay lumabas at sinalakay ang mga kabayo at mga karwaheng pandigma at pinatay ang mga maraming Aramean.
22Kaya ang propeta ay lumapit sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, “Umalis ka, at palakasin ang iyong sarili, at unawain at planuhin ano ang iyong ginagawa, dahil sa pagbabalik ng taon ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa iyo.”
23Sinabi ng mga lingkod ng hari ng Aram sa kaniya, “Ang kanilang diyos ay isang diyos sa mga burol. Kaya sila ay malakas kaisa sa atin. Pero ngayon labanan natin sila sa kapatagan, at sigurado doon magiging mas malakas tayo sa kanila.
24At gawin mo din ito, alisin mo ang mga hari ang bawat isa sa kanilang pinamumunuan, sa kani-kaniyang tungkulin, at maglagay ka ng kapitan ng hukbo na kapalit nila.
25Mag-ipon ka ng isang hukbo gaya ng hukbo mong nawala, kabayo para sa kabayo at karwaheng pandigma para sa karwaheng pandigma, at tayo ay lalaban sa kanila sa kapatagan. kaya sigurado tayo ay magiging malakas kaysa sa kanila.” Kaya si Ben Hadad ay nakinig sa kanilang payo at ginawa niya ang minungkahi nila.
26Makaraan ang simula ng bagong taon, Tinipon ni Ben Hadad ang mga Aramean at nagpunta sa Aphek para labanan ang Israel. Ang bayan ng Israel ay tinipon at inarmasan para kalabanin sila.
27Ang bayan ng Israel ay nag-kampo sa harapan nila gaya ng dalawang kawan ng kambing, pero ang kabukiran ay napuno ng mga Aramean.
28Pagkatapos isang lingkod ng Diyos ang lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at sinabi, “Sinasabi ni Yahweh: 'Dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ko sa iyong kamay ang malakas na hukbong ito, at inyong malalaman na ako si Yahweh.”'
29Kaya ang mga hukbo ay nagkampo ng magkatapat ng pitong araw. Pagkatapos sa ikapitong araw ay sinimulan ang labanan. Ang bayan ng Israel ay pumatay ng isang daang libong hukbo ng Aramea sa loob ng isang araw.

Read 1 Mga Hari 201 Mga Hari 20
Compare 1 Mga Hari 20:15-291 Mga Hari 20:15-29