Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 17

1 Mga Hari 17:2-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Ang mensahe ng Diyos ay dumating kay Elias, na nagsasabing,
3“Lisanin mo ang lugar na ito at pumunta ka pasilangan; magtago ka sa batis ng Kerit sa silangan ng Jordan.
4Mangyayari na iinom ka sa tubig mula sa batis at inutusan ko ang mga uwak na pakainin ka doon.
5Kaya umalis si Elias at ginawa ang inutos ni Yahweh. Pumunta siya para mamuhay sa batis ng Kerit sa silangan ng Jordan.
6Dinalhan siya ng mga uwak ng tinapay at karne sa umaga at sa gabi, at uminom siya mula sa batis.
7Pero hindi katagalan natuyo ang batis dahil hindi umuulan sa lupain.
8Dumating ang mensahe ng Diyos sa kaniya na nagsasabing,
9“Bumangon ka, pumunta ka sa Sarepta na sakop ng Sidon, at doon ka manahan. Tingnan mo, inutusan ko ang isang balo para alagaan ka.
10Kaya bumangon siya at pumunta sa Sarepta, at nang makarating siya sa tarangkahan ng lungsod isang balo ang namumulot ng mga kahoy. Kaya tinawag niya ito at sinabi, “Pakidalhan mo naman ako ng kaunting tubig na nasa banga para maka-inom ako.”
11Habang siya ay papunta para kumuha ng tubig tinawag siya ni Elias at sinabi, “Pahingi naman ng tinapay na nasa kamay mo.”
12Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.”
13Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo.
14Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.”

Read 1 Mga Hari 171 Mga Hari 17
Compare 1 Mga Hari 17:2-141 Mga Hari 17:2-14