Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 29

Mga Kawikaan 29:1-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang isang tao na nakatanggap ng maraming pagsasaway pero pinatitigas ang kaniyang leeg ay mababali sa isang sandali na hindi na mapapagaling.
2Kapag silang mga gumagawa ng tama ay umaangat, ang mga tao ay nagdidiwang, pero kapag ang isang masamang tao ang namuno, ang mga tao ay maghihinagpis.
3Sinuman ang nagmamamahal sa karunungan ay nagagawa ang kaniyang ama na magdiwang, ngunit ang isang nananatiling kasama ang mga masasamang tao ay sinisira ang kaniyang kayamanan.
4Ang hari ay itinatatag ang lupa sa pamamagitan ng katarungan, ngunit wawasakin ito ng isang humuhingi ng suhol.
5Ang isang tao na pumupuri sa kaniyang kapit-bahay ay inilalatag ang isang lambat para sa kaniyang mga paa.
6Ang isang masamang tao ay nahuli sa isang patibong sa pamamagitan ng kaniyang sariling kasalanan, pero ang isang gumagawa ng tama ay umaawit at nagsasaya.
7Siyang gumagawa ng tama ay nakikiusap sa kapakanan ng mahirap; ang masamang tao ay hindi naiintindihan ang ganyang kaalaman.
8Inilalagay ng mga mangungutya ang isang lungsod sa apoy, pero silang mga matatalino ay nag-aalis ng poot.
9Kapag nakikipagtalo ang isang taong matalino sa isang mangmang, siya ay galit na galit at natatawa at ito ay walang tigil.
10Ang uhaw sa dugo ay galit sa isang walang kasalanan at hinahanangad ang buhay nang matuwid.
11Ang isang mangmang ay ipinahahayag ang lahat ng kaniyang galit, pero ang isang taong matalino ay pinipigilan ito at kinakalma ang kaniyang sarili.
12Kung ang isang pinuno ay nagbibigay pansin sa mga kasinungalingan, lahat ng kaniyang mga opisyal ay magiging masama.
13Ang taong mahirap at mapang-api ay magkatulad, sapagkat si Yahweh ay parehong nagbibigay liwanag sa kanilang mga mata.
14Kung ang isang hari ay humahatol sa mga mahihirap sa pamamagitan ng katotohanan, ang kaniyang trono ay maitatatag nang walang hanggan.

Read Mga Kawikaan 29Mga Kawikaan 29
Compare Mga Kawikaan 29:1-14Mga Kawikaan 29:1-14