Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 28

Mga Kawikaan 28:1-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang masamang tao ay tumatakbo kahit walang humahabol sa kanila, ngunit ang mga gumagawa ng tama ay kasintapang ng batang leon.
2Dahil sa kasalanan ng isang lupain, ito ay papalit-palit ng mga pinuno, ngunit ang isang taong may pang-unawa at kaalaman, ito ay magtatagal sa mahabang panahon.
3Ang taong dukha na nagpapahirap sa kapwa niya dukha ay tulad ng isang humahampas sa ulan na nag-iiwan ng walang pagkain.
4Sila na mga tumalikod sa batas ay pinupuri ang masamang tao, ngunit silang nagpapanatili ng batas ay lumalaban sa kanila.
5Ang mga masasamang tao ay hindi naiintindihan ang katarungan, ngunit sila na naghahanap kay Yahweh ay naiintindihan ang lahat ng bagay.
6Mas mainam sa isang dukha na lumakad sa kaniyang katapatan, kaysa sa isang mayaman na baluktot sa kaniyang mga paraan.
7Ang siyang nagpapanatili ng batas ay isang bata na may pang-unawa, ngunit ang isa na kasama ang mga matatakaw ay hinihiya ang kaniyang ama.
8Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha.
9Kung ang isa na hindi ibinaling ang kaniyang tainga sa pakikinig ng batas, kahit na ang kaniyang panalangin ay kasuklam-suklam.
10Ang sinumang maglihis sa matuwid sa isang masamang paraan ay babagsak sa kaniyang sariling hukay, ngunit ang walang sala ay magkakaroon ng mabuting pamana.
11Ang mayaman ay maaaring matalino sa kaniyang sariling mga mata, ngunit ang dukha na may pang-unawa ay matutuklasan siya.
12Kung may katagumpayan sa mga gumawa ng kung ano ang tama, mayroong dakilang kaluwalhatian, ngunit kung ang masama ay bumangon, tinatago ng mga tao ang kanilang sarili.
13Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.
14Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.
15Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.
16Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw.
17Kung ang isang tao ay maysala dahil nagdanak siya ng dugo sa isang tao, siya ay magiging isang pugante hanggang sa kamatayan, at wala ni isa ang tutulong sa kaniya.

Read Mga Kawikaan 28Mga Kawikaan 28
Compare Mga Kawikaan 28:1-17Mga Kawikaan 28:1-17