1Huwag ipagyabang ang patungkol bukas, dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring dala ng isang araw.
2Hayaan mong purihin ka ng isang tao at hindi ang sarili mong labi; isang hindi mo kilala at hindi sa sarili mong mga labi.
3Isaalang-alang ang mga kabigatan ng isang bato at ang timbang ng buhangin, at ang pagpapagalit ng isang hangal ay mas mabigat kaysa sa dalawa.
4Mayroon kalupitan ang kapootan at baha ng galit, ngunit sino ang kayang makatatagal sa pagseselos?
5Mas mabuti ang lantaran na pagsaway kaysa sa lihim na pag-ibig.
6Tapat ang mga sugat na sanhi ng isang kaibigan, ngunit ang kaaway maaaring humalik sa iyo nang maraming beses.
7Ang isang tao na kumain hanggang mabusog ay tinatanggihan kahit isang bahay-pukyutan, pero sa isang taong gutom, bawat mapait na bagay ay matamis.
8Ang isang ibon na pagala-gala mula sa pugad nito ay katulad ng isang taong naliligaw sa kaniyang tinitirhan.
9Ang pabango at insenso ay nagpapagalak ng puso, ngunit ang katamisan ng isang kaibigan ay mas mabuti pa sa kaniyang payo.
10Huwag pababayaan ang iyong kaibigan at kaibigan ng iyong ama, at huwag pupunta sa bahay ng iyong kapatid sa araw ng iyong kalamidad. Mas mabuti ang isang kapwa na malapit kaysa sa isang kapatid na malayo.
11Maging matalino, aking anak, at gawin mong masaya ang aking puso; pagkatapos sasagot ako sa taong kumukutya sa akin.
12Ang isang maingat na tao ay nakikita ang gulo at itinatago ang kaniyang sarili, pero ang taong walang karanasan ay sumusulong at nagdurusa dahil dito.
13Kunin ang isang kasuotan kung ang may-ari nito ay nagbibigay ng pera bilang panagot para sa utang ng isang hindi kilala; at kunin ito kung siya ay maglalagay ng panagot para sa isang nangangalunya.
14Kung sinuman ang nagbibigay sa kaniyang kapwa ng isang pagpapala nang may isang malakas na tinig ng maagang-maaga, ang pagpapalang iyon ay ituturing na isang sumpa!