Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 21

Mga Kawikaan 21:9-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Mas mabuti pang mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa bahay na kahati ang palaaway na asawang babae.
10Ang gana ng masama ay nagmimithi ng labis na kasamaan; ang kaniyang kalapit-bahay sa kaniyang mga mata ay walang nakikitang kabaitan.
11Kapag ang nangungutya ay naparusahan, ang mangmang ay nagiging matalino, at kapag ang taong marunong ay naturuan, nadadagdagan siya ng kaalaman.
12Ang isang gumagawa ng tama ay binabantayan ang bahay ng masama; kaniyang dinadala ang masama sa kasiraan.
13Ang isa na hindi dininig ang iyak ng mga mahihirap na tao, kapag siya din ay umiyak, hindi siya maririnig.
14Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit.
15Kapag ang katarungan ay tapos na, nagbibigay ito ng kagalakan sa gumagawa ng tama, ngunit ito ay nagdadala ng takot sa mga masasamang tao.
16Ang siyang naliligaw sa daan ng pang-unawa, ay mamamahinga sa pagpupulong ng mga walang buhay.
17Ang sinumang minamahal ang aliw ay magiging mahirap, ang taong minamahal ang alak at langis ay hindi magiging mayaman.
18Ang masamang tao ay magiging katubusan sa gumagawa ng tama, at ang hindi tapat ay katubusan para sa matuwid.
19Mas mabuti pang mamuhay sa disyerto kaysa makasama ang babaeng nagdudulot nang alitan at sobrang makapagreklamo.
20Ang pinakamahal na yaman at langis ay nasa tahanan ng matalino, ngunit inaaksaya ito ng mangmang na lalaki.
21Ang gumagawa ng tama at mabait—ang taong ito ay makasusumpong ng buhay, katuwiran at karangalan.
22Isang matalinong tao ang pumunta laban sa lungsod nang makapangyarihan, at kaniyang ginigiba ang matibay na moog na nagtatanggol nito.
23Sinumang nagbabantay sa kaniyang bibig at dila ay nag-iingat na hindi makasali sa gulo.
24Ang hambog at mapagmataas na tao - “mangungutya” ang kaniyang pangalan - kumikilos nang may pagmamataas na kayabangan.
25Ang pagnanais ng tamad ay pumapatay sa kaniyang sarili, dahil ang kaniyang mga kamay ay tumatanggi sa pagtatrabaho.
26Buong araw siyang nagmimithi at nagmimithi nang labis, ngunit ang isang gumagawa ng tama ay nagbibigay at hindi nagpipigil.
27Ang alay ng masamang tao ay kasuklam-suklam; ito ay mas kasuklam-suklam pa kapag dinala niya ito ng may masasamang motibo.
28Ang hindi totoong saksi ay mamamatay, ngunit ang isang nakikinig ay magsasalita sa lahat ng oras.
29Ang masamang lalaki ay ginagawa ang sarili na tila malakas, pero ang matuwid na tao ay maingat sa kaniyang mga kilos.

Read Mga Kawikaan 21Mga Kawikaan 21
Compare Mga Kawikaan 21:9-29Mga Kawikaan 21:9-29