18Ang mga lalaking ito ay nag-aabang para patayin ang kanilang mga sarili - sila ay naglagay ng bitag para sa kanilang mga sarili.
19Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
20Umiiyak ng malakas sa lansangan ang karunungan, kaniyang nilalakasan ang kaniyang boses sa isang liwasang-bayan,
21sa gitna ng maingay na lansangan siya ay umiyak, sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan siya ay nagsalita.
22“Kayong mga walang karunungan, Gaano katagal ninyo mamahalin ang inyong hindi naiintindihan? Kayong mga nangungutya, gaano kayo katagal magalak sa pangungutya at kayong mga hangal, gaano kayo katagal mamumuhi sa kaalaman?
23Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
24Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
25Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.
26Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot —
27kapag dumating ang inyong kinakatakutang pangamba tulad ng bagyo at tinangay kayo ng sakuna na parang buhawi, kapag ang kabalisahan at dalamhati ay dumating sa inyo.
28Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap.
29Dahil kanilang kinapopootan ang karunungan at hindi pinili ang pagkatakot kay Yahweh,
30hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.