13Sinumang sumasagot bago pa man makinig ay mangmang at kahiya-hiya.
14Ang espiritu ng tao ay mananaig sa karamdaman, ngunit ang espiritung mahina, sino ang makatitiis?
15Ang puso ng matalino ay nagkakamit ng kaalaman at ang pandinig ng marunong ay naghahangad nito.
16Ang kaloob ng tao ay maaaring magbukas ng daan para dalhin siya patungo sa isang mahalagang tao.
17Ang unang magsumamo ng kaniyang kaso ay mukhang tama hangga't ang kaniyang kalaban ay dumating at tanungin siya.
18Ang palabunutan ay nag-aayos ng gulo at naghihiwalay ng malalakas na katunggali.
19Ang kapatid na nasaktan ang damdamin ay mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod, at ang pakikipagtalo ay tulad ng mga harang ng isang kastilyo.
20Mula sa bunga ng kaniyang bibig, ang kaniyang tiyan ay napupuno; sa ani ng kaniyang mga labi, siya ay nasisiyahan.
21Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at ang mga nagmamahal dito ay kakain ng bunga nito.