5Kinamumuhian ni Yahweh ang bawat isa na may mapagmataas na puso, kahit na tumayo pa sila nang magkahawak, hindi sila maliligtas sa kaparusahan.
6Sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan at pagtitiwala ang pagkakasala ay nabayaran at sa pamamagitan ng takot kay Yahweh, tinatalikuran ng mga tao ang kasamaan.
7Kapag ang pamamaraan ng isang tao ay kalugod-lugod kay Yahweh, ginagawa niya kahit na ang mga kaaway nito ay makipagbati sa kaniya.
8Mabuti pa ang may kakaunti nang nasa tama, kaysa sa malaking kita na may kaakibat na kawalan ng katarungan.
9Sa kaniyang puso, ang isang tao ay nagpaplano ng kaniyang landas, pero si Yahweh ang nagtuturo ng kaniyang mga hakbang.
10Ang isang pahayag na may karunungan ay nasa labi ng isang hari, sa paghahatol ang kaniyang bibig ay hindi nagsasalita nang may panlilinlang.
11Ang tapat na mga timbangan ay nagmumula kay Yahweh; lahat ng mga pabigat sa sako ay kanyang gawain.
12Kapag gumagawa ng napakasamang mga bagay ang mga hari, ito ay isang bagay na dapat kasuklaman sapagkat ang trono ay itinatag sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang tama.
13Nalulugod ang isang hari sa mga labi na nagsasabi ng kung ano ang tama at kinagigiliwan niya ang isang nagsasalita nang tuwiran.
14Ang matinding galit ng isang hari ay sugo ng kamatayan pero ang isang marunong na tao ay magsisikap na pahupain ang kanyang galit.
15Sa liwanag ng mukha ng isang hari ay buhay, at ang kanyang pagkiling ay parang isang ulap na nagdadala ng ulan sa tagsibol.