10Nagmamalasakit ang matuwid sa pangangailangan ng kaniyang alagang hayop, pero maging ang habag ng masasama ay kalupitan.
11Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip.
12Hinahangad ng masama ang mga ninakaw ng makasalanan mula sa iba, pero ang bunga ng mga matuwid ay galing sa kanilang mga sarili.
13Ang masamang tao ay nabibitag ng kaniyang masamang pananalita, pero ang mga taong gumagawa ng tama ay nakaliligtas sa kapahamakan.
14Mula sa bunga ng kaniyang mga salita, ang tao ay napupuno ng mabuting mga bagay, tulad ng paggagantimpala ng mga kamayy niyang nagtatrabaho.