Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 20

Mga Hukom 20:36-39

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
36Kaya nakita ng mga sundalo ng Benjamin na sila ay natalo. Nagbigay ang kalalakihan ng Israel ng lupa sa Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na inilagay nila sa mga lihim na pwesto sa labas ng Gibea.
37Pagkatapos ang kalalakihan na nagtatago ay bumangon at nagmadali at sinugod nila ang Gibea, at gamit ang kanilang mga espada pinatay nila ang lahat ng mga naninirahan sa lungsod.
38Ang inayos na hudyat sa pagitan ng mga sundalo ng Israel at kalalakihan na nagtatago ng palihim ay ang isang malaking ulap ng usok na tataas mula sa lungsod—
39—at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, “Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan.”

Read Mga Hukom 20Mga Hukom 20
Compare Mga Hukom 20:36-39Mga Hukom 20:36-39